Humabol sa huling quarter ang Detroit Pistons para tuluyang talunin ang Philadelphia 76ers 102-94.
Bumida sa panalo ng Pistons si Cade Cunningham na nagtala ng 27 points, anim na assists at apat na steals habang mayroong 20 points si Saddiq Bey at nag-ambag ng 12 points apat na rebounds at tatlong assists si Kelly Olynyk.
Nakuha ng Atlanta Hawks ang sunod na apat na panalo ng talunin ang Cleveland Cavaliers 131-107.
Nangibabaw sa panalo ng Hawks si Trae Young na mayroong 30 points at siyam na assists habang mayroong 23 points si Kevin Huerter.
Nagbuhos naman ng 29 points si Donovan Mitchell at 25 points, 17 rebounds si Rudy Gobert ng Utah Jazz para tuluyang talunin nila ang Los Angeles Lakers 122-109.
Nag-ambag naman ng 19 points si Jordan Clarkson at 18 points naman ang naitala ni Mike Conley.
Tumipa naman ng season high 50 points si DeMar DeRozan para tuluyang talunin ng Chicago Bulls sa overtime ang Los Angeles Clippers 135-130.
Senelyuhan ni DeRozan ang laro sa pamamagitan ng kaniyang dunk sa natitirang tatlong segundong natitira sa overtime.
Nagtala rin ng 22 points, 14 rebounds si Nikola Vucevic, 21 points kay Zach LaVine, 11 points naman kay Coby White at 10 points at 12 rebounds naman ang naitala ni Patrick Williams.