Muling pinataob ng Golden State Warriors ang Sakramento Kings sa Game 4 ng kanilang nagpapatuloy na paghaharap kaninang umaga, 126 – 125.
Naging sentro pa rin sa panalo ng Warriors si NBA superstar Stephen Curry na muling gumawa ng 30-point performance. Ang kaniyang kapwa Splash Brother na si Klay Thompson ay kumamada rin ng 26 points.
Sa pagbabalik ng defensive specialist ng Warriors na si Draymond Green, gumawa ito ng double-double performace na may 12 points at 10 rebounds. Ang inaalat namang si Jordan Poole sa mga nakalipas na araw ay kumamada ng 22 big points.
Naging maganda pa rin ang performance ni Kings star De’Aron Fox sa kanyang 38 points 9 rebound contribution, kasama ang 23 points ng kanilang rookie na si Keegan Murray.
Lumamang ang Kings sa unang dalawang kwarter ng laro ngunit sa 3rd quarter ay nagpakawala ang Warriors ng 37 points habang 23 points lamang ang naipasok ng Kings. humabol pa ang Kings sa huling kwarter ngunit hindi na rin nakaya pang malamangan ang Warriors.
Kapwa may tig-dalawang talo at panalo ang dalawang koponan.