-- Advertisements --
Bumisita sa White House ang NBA defending champion na Golden State Warriors.
Mainit silang sinalubong ni US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris.
Ayon kay Biden na nananatiling nakabukas ang White House para sa Warriors.
Tinagurian pa nito si Warriors star Stephen Curry na pinakamagaling na manlalaro.
Binigyan ng Warriors sina Harris at Biden ng kanilang basketball jersey.
Magugunitang tinalo ng Warriors ang Boston Celtics sa Game six para makuha ang kampeonato noong 2021-2022 season.
Noong panahon din ni dating US President Donald Trump ay hindi tumapak ang Warriors sa White House dahil sa kinontra nila ang ipinaglalaban nito.