-- Advertisements --

Labis umano ang pagkadismaya ni NBA commissioner Adam Silver matapos na mabigo na makadalo sa Game 5 kanina sa NBA Finals sa pagitan ng Golden State Warriors at Boston Celtics.

Sinasabing may kaugnayan umano ito sa isyu ng health and safety protocols ng liga.

Hindi naman binanggit sa report kung nagpositibo sa COVID-19 si Silver o kaya nagkaroon ito ng close contact.

Hindi pa matiyak din kung makakadalo na ng personal si Silver sa Game 6 o Game 7 lalo na at siya pa naman ang magbibigay ng trophy sa magkakampeon sa NBA Finals.