-- Advertisements --

Matagumpay na nasagip ng Philippine Coast Guard ang isang mangingisda sa katubigang sakop ng Panigayan, Malamawi, Isabela City, Basilan.

Ito ay makaraang mapaulat na nawawala ang naturang mangingisda noong Pebrero 5, 2024 matapos na hindi na makabalik pa sa kanilang tahanan nang pumalaot ito noong Pebrero 4, 2024.

Agad na nagsagawa ng search and rescue oepration ang Philippine Coast Guard matapos na matanggap ang naturang ulat.

Salaysay ng nasagip na mangingisdang kinilalang si Resal Edgar, 23 taong gulang, nabangga ng siya ng isang motorbanca habang nangingisda na nakaapekto naman sa maneuverability ng kaniya bangka dahilan kung bakit hindi siya agad nakabalik sa pampang.

Samantala, agad namang dinala ng search and rescue team si Edgar sa Coast Guard Sub0station Malamawi para sa isailalim sa health check-up at damage assessment at kasalukuyang nasa mabuting kondisyon na.