Pinasinayaan ng Philippine Navy ang bagong Naval Detachment sa Mavulis Island, Itbayat, Batanes.
Ang bagong detachment ay tatawaging Naval Detachment Mavulis at inaasahang magiging pangunahing kampo ng Philippine Navy sa pinakamalapit na isla ng Pilipinas sa Taiwan.
Sa pagbubukas nito ay inaasahang mapapalakas pa ang pagtataguyod ng Pilipinas sa maritime law at pagsusulong ng maritime interest ng bansa sa karagatang sakop ng Northern Luzon.
Nanguna naman ang Naval Forces Northern Luzon sa pagpapasinaya, kasama ang mga lokal na opisyal ng Batanes, at Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Chairman, Senador Francis Tolentino.
Samantala, bahagi ng pondo na ginamit sa pagpapatayo ng naturang detachment ay galing sa opisina ni Sen. Tolentino.