-- Advertisements --

Pinabulaanan ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang ulat ng Senate Committee of Whole na nagdadawit sa kaniya bilang protektor umano ng mga smuggler sa bansa.

Ayon kay Tiangco, sila pa ang nagsasampa ng kaso laban sa mga smuggler dahil naapektuhan ang kabuhayan ng kaniyang mga kababayan sa Navotas dahil sa smuggling.

Giit pa ng opisyal, sinulatan niya si Agriculture Secretary William Dar at inireklamo ang talamak ng smuggling ng imported agricultural products subalit hindi umano sumagot ang kalihim.

Dahil hindi pinansin ng DA ang kanilang reklamo, ang City Government ng Navotas na ang nagsampa ng kaso laban sa dalawang smuggler noong Setyembre 2020.