-- Advertisements --
Nanindigan ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) na patuloy ang kanilang gagawing pagsuporta sa Ukraine kahit anumang mangyari.
Sinabi ni NATO Secretary General Jens Stoltenberg na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa European Union para patuloy na pagsuporta sa Ukraine.
Isinagawa nito ang pahayag sa pagpupulong ng NATO defense ministers meeting sa Brussels.
Dagdag pa nito na minaliit ng Russia ang Ukraine ganun din ang kakayahan ng NATO para maresolba ang anumang gusot.
Magugunitang patuloy ang ginagawang arms supports ng iba’t-ibang bansa sa Ukraine para tuluyang mapalayas ang Russian forces.