-- Advertisements --

Kinondina ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang drone strike ng Russia na tumama sa ilang kabahayan sa Romania.

Sa nasabing insidente ay nagdulot ito ng malawakang sunog at pagkasugat ng dalawang katao.

Nangyari ang insidente sa bayan ng Galati malapit sa border nila ng Ukraine.

Sinabi ng NATO na isang paglabag ang ginawang ito ng Russia.

Makailang ulit na namataan ang drones ng Russia sa border ng Romania at ito ang unang pagkakataon kung saan mayroong sibilyan ang nasaktan.

Sinabi naman ng defence ministry ng Romania na agad nilang ginamit ang kanilang F-16 fighter jets matapos na makita ang paglipad ng mga drones.