-- Advertisements --

Dumepensa ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa pagsasailalim sa pagsasanay nila ng mga Ukrainian para sa maging piloto ng F-16 fighter jets.

Ayon kay NATO Secretary-General Jens Stoltenberg, na ang ginagawa nila ay hindi nangangahulugan na ang NATO at mga kaalyadong bansa ay bahagi na rin ng kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ang nasabing paggamit ng Ukraine ng F-16 fighter jets ay bahagi ng nakasaad sa United Nation charter na karapatan nila na ipagtanggol ang kanilang bansa.

Magugunitang inaprubahan ni US President Joe Biden at mga Group of Seven leaders ang pag-training sa mga Ukrainian pilots sa paggamit ng ibibigay nilang F-16 fighter jets.