-- Advertisements --

Kinumpirma ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na kanilang kinukunsidera ang naging rekumendasyon ni UN Special Rapporteur Irene Khan na buwagin ang NTF-ELCAC.

Ayon sa isang pahayag sinabi ni Malaya kanila itong kinukunsidera bilang preliminary recommendation, batay sa kanilang pag-uusap na may mga dokumento pa na hiningi si Khan para makumpleto ang kaniyang rekumendasyon.

Ilalabas niya ang kaniyang final recommendation sa mga susunod na buwan

Binigyang-diin ni Malaya na batay sa kanilang pagpupulong hinggil sa status ng NTF-ELCAC, kanilang siniguro na bukas ito para sa anumang mga reporma.

Sinabi ni Malaya kanilang ibinida kay Khan ang matagumpay na operasyon ng Armed Forces of the Philippines laban sa New Peoples Army at mayruon ding exploratory talks ang gobyerno sa CPP-NPA-NDF.

Kaya hindi naaangkop ngayon na buwagin ang National Task Force ELCAC.

Giit ni Malaya ang NTF ELCAC ang siyang game changer sa laban ng gobyerno kontra communist terrorism.

Kaya hindi tama ang panawagan na buwagin ito.

Kanila din ipinarating kay Khan ang mga naging accomplishments ng NTF ELCAC.

Umaasa si Malaya na ikunsidera ito ni Khan.