-- Advertisements --

NGCP
111411 Quezon, Philippines. NGCP sub station Araneta avenue. The National Grid Corporation of the Philippines substation at Araneta avenue in Quezon City, Philippines, November 14, 2011

Nadismaya ngayon ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa bagong direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC) na pinagmumulta ng mahigit Php5 milyon dahil sa policy violation.

Una rito, pinabulaanan ng NGCP na binalewala nito ang utos ng Department of Energy (DOE).

Kinailangan lang anilang maging maingat sa mga desisyon dahil sa umiiral noong ‘biased political atmosphere.’

Ayon sa kumpanya, sinikap nilang magkaroon ng mas maayos na working relationship pagpasok ng bagong liderato ng DOE.

Katunayan, sa courtesy call ng ilang NGCP Officials sa DOE ay natalakay na rin aniya ang isyu ng Ancillary Services by the System Operator Policy na agad rin nilang tinugunan.

Aminado ang kumpanya na dismayado sila sa naging desisyon ng ERC.

Sa kabila nito, handa pa rin naman ang NGCP na makipagtulungan. Umaasa lamang ito na maisantabi ang mga pansariling interes at manaig pa rin sa huli ang patas na desisyon para sa kapakanan ng consumers.