-- Advertisements --

Rescheduled ngayong araw ang national costume presentation ng Miss Universe Philippines 2022.

Ito ay matapos silang makaranas ng ilang technical problems kahapon, April 25, 2022.

Sa isang statement ay humingi ng paumanhin ang MUPH Organization at sinabing ililipat nila ito ngayong araw, April 26, dakong alas-6 ng gabi.

Tiniyak naman ng pamunuan ng naturang pageant na lubos nilang inihanda ang #UniquelyBeautiful presentation para sa lahat ng kanilang mga tagasuporta.

Dito ay nagpahayag din sila ng pasasalamat sa pag-unawa at patuloy na pagsuporta sa kanila ng ating mga kababayan.

Samantala, gaganapin naman ang mismong coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 sa April 320, sa SM Mall of Asia Arena.