Inatasan na rin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Brig. Gen. Jonnel Estomo ang mga police officer sa rehiyon na magsagawa ng pakikipagdayalogo sa mga mamamahayag na nakatalaga sa kanilang area of responsibility.
Ito ay para matugunan ang concern ng mga media practitioners para matukoy kung may banta sa kanilang buhay, harassment at iba pang panganib sa mga mamamahayag.
Ang hakbang na iton ng NCRPO ay may kauganyan na rin sa pagkakapaslang sa radio broadcaster na si Percy Lapid na binaril-patay sa loob ng kaniyang sasakyan sa Las PiƱas City noong araw ng Lunes.
Ipinaliwanag din ng NCRPO na ang naturang inisyatibo ay isang preventive effort para maiwasan na mangyari ulit ang kaparehong insidente.
Sinabi din ni Estomo na kanilang kinikilala ang mahalagang papel ng mga mamamahayag sa patas, tapat at napapanahong pagbabahagi ng balita o impormasyon gayundin ang kanilang kontribusyon sa pagpapakalat ng programa ng PNP laban sa kriminalidad para sa benepisyo ng publiko. Kayat marapat lamang na mabigyang pansin at matugunan ang kanilang mga concerns.
Una na ring umapela ang Pangulo para sa kaligtasan at seguridad ng lahat ng mamamahayag sa bansa habang nag-isyu na rin ng kaparehong direktiba si PNP chief Police Gen. Rodolfo Azurin, Jr.
-- Advertisements --