-- Advertisements --
image 82

Puspusan na raw ang malalimang imbestigasyon na isinasagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagpaslang sa radio broadcaster Percy Lapid.

Kung maalala, lunes noong gabi nang pinaslang ng mga hindi pa kilalang mga indibidwal si Lapid.

Sinabi naman ni Department of Justice (DoJ) Sec. Jesus Crispin Remulla na mahigpit ang kanyang direktiba na imbestigahan ang nasabing insidente.

Base sa mga lumabas na report, pinatay ang broacaster ng dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo sa Las Piñas City.

Pauwi raw si Lapid para magsagawa ng online broadcast nang naganap ang pamamaril.

Samantala, ayon naman sa Philippine National Police, bumuo na ang mga ito ng special investigation task force para imbestigahan ang krimen.