Umabot na sa 1,114 ang kumpirmadong nasawi sa matinding pagbaha sa Nepal na nagsimula noong Agosto 26, 2026, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Authority (NDRRMA).
Aabot naman sa 3,916 katao ang nananatiling nawawala, kabilang sa mga nawawala ang mga residente at foreign nationals na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa mga komunidad malapit sa border ng Nepal at China.
Patuloy ang search and rescue operations ng mga awtoridad upang mahanap ang mga nawawala at matulungan ang mga residenteng naapektuhan ng kalamidad. Sa Nepal, halos 12,000 katao na ang matagumpay na nailigtas.
Samantala, tinatayang aabot naman sa 4,500 katao ang kabuuang nawawala sa border ng China at Nepal. Patuloy namang isinasagawa ang relief operations at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga komunidad na matinding naapektuhan ng pagbaha.
















