-- Advertisements --
DAVAO CITY – Pabalik na ng Manila ang nasa 272 turistang stranded sa Davao City magmula noong Marso 15.
Sinabi ni City Tourism Office head Generose Tecson na dumating sa lungsod ang sweeper flight ng Philippine Airlines (PAL) na ipinadala ng Australian Embassy.
Ito ay para aniya tulungan na makabiyahe ang mga Australian citizens, gayundin ang iba pang foreign nationals na stranded sa lungsod.
Gayunman, kanselado pa rin ang normal flights sa lungsod, pati na rin ang sea at land travel dahil sa lockdown.