-- Advertisements --

Inilatag ng bagong talaga na National Police Commission (Napolcom) commissioner na si Vitaliano Aguirre II ang kahalagahan para mas maging responsive ang ahensya sa paghubog ng mas maayos na police force sa bansa.

Bilang kabayaran aniya nito sa tiwala na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte, adhikain niyang sundin ang lahat ng utos ng Pangulo para sa ikabubuti ng Napolcom.

Nanawagan din si Aguirre sa lahat ng empleyado ng ahensya para sa kanilang kooperasyon, suporta, at pasensya dahil naninibago pa raw ito sa demands ng kaniyang bagong tungkulin.

Sumali na rin ito sa isinagawang executive briefing ng ahensya kung saan bawat unit ay pinakilala ang kanilang functions, mandate, priority programs, at work status.

Subalit dahil na rin sa limitasyon at coronavirus disease protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ay ginawa lamang ang naturang briefing ng mga central office executivers ng Napolcom.

Binigyang-diin din ni Aguirre ang importansya ng integridad, dedikasyon, at kagitingan sa lahat ng official tasks upang mapanatili ang kumpyansa at tiwala ng publiko sa Napolcom.

Ang Napolcom ang nagsasagawa ng police entrance examinations at pre-charge investigations sa mga nangyayaring anomalya at iregularidad sa mga pulis, gayundin ang summary dismissal ng mga tiwaling pulis.+