-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Sa loob ng kulungan ang bagsak ng isang 28-anyos na ina sa Iligan City matapos ibenta online ang litrato ng kanyang anak na nakahubad.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, napag-alaman na matagal nang sinusubaybayan ng mga pulis ang ilegal na kalakaran ng naturang nanay.
Pinapayagan umano nito ang kanyang anak at pamangkin na humarap sa camera na walang saplot sa katawan.
Dahil rito ikinasa ang isang entrapment operation kaya nasakote ang naturang suspect.
Bukod sa dalawang bata, may dalawang iba pa ang na-rescue sa naturang operasyon na agad namang dinala sa Iligan City Social Welfare and Development Office.