-- Advertisements --
Pinalaya na ang director general ng Zaporizhzhia nuclear power plant na si Ihor Murshov matapos na siya binihag ng mga Russian forces.
Ayon sa International Atomic Energy Agency (IAEA) na nakabalik na sa kaniyang pamilya si Murashov.
Si Murashov ay hinarang ng mga sundalo ng Russia habang ito ay patungo sa planta nitong Oktubre 1.
Piniringan pa ito ng kaniyang mata at dinala sa hindi binanggit na lugar.
Sinabi pa ng foreign minister ng Ukraine na nakausap niyang personal si IAEA Director General Rafael Grossi.
Temporaryong nakakulong si Murashov.
Magugunitang sinakop ng mga sundalo ng Russia ang planta noon pang Marso kung saan ginamit umano nila itong panangga para hindi iharap ng Ukraine ang missile nila.