Umabot na sa 13 katao ang nasawi dahil sa magnitude 7.2 na lindol na tumama sa Eastern County ng Hualien sa Taiwan noong April 3.
Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations kahit lagpas na sa 72-hour period na nakalaan para sa ganitong operasyon dahil may 6 na katao pa ang nawawala.
Ang naturang lindol ang itinuturing na pinakamalakas na tumama sa Taiwan mula 1999.
Sa huling tala ng mga awtoridad, 1,100 na katao na ang nasugatan habang ilang daan pa ang stranded sa Taroko National Park. Paunti-unti nang sinasagip ang mga nakaligtas doon sa pamamagitan ng pag-rescue ng helicopter.
Habang ang hindi pa mga nakukuha ay patuloy na pinadadalhan ng mga pagkain at tubig sa tulong din ng helicopter.
Ayon sa Taiwan, nagpadala ang bansang Turkey ng pitong rescuers para tumulong sa kanilang ginagawang operasyon.