-- Advertisements --

Kinansela ng Ultimate Fighting Champion (UFC) ang nakatakda sanang laban nina Nursulton Ruziboev at Bryan Battle para sa middleweight belt.

Ito ay matapos na magrehistro si Battle ng timbang na halos dalawang kilong mas mataas kumpara sa weight limit.

Batay sa official weigh-in nagtala si Battle ng 190lbs habang naabot naman ni Ruziboev ang 186lbs-limit

Nakatakda sana ang laban ng dalawa ngayong lingo sa ilalim ng UFC 319 ngunit nagdesisyon ang liga na huwag na itong ituloy. Hindi pa malinaw sa ngayon kung itatakda na lamang ang laban sa mga susunod na buwan.

Sa ilalim ng UFC 319 event, ito na ang ikatlong laban na nakansela.

Una ay ang pagkaka-kansela sa laban nina King Green at Diego Ferreira sa ilalim ng lightweight belt. Sinundan ito ng kanselasyon ng laban sa pagitan nina Rodrigo Sezinando at Daniil Donchenko para sa welterweight.

Parehong kinansela ang dalawang laban dahil sa hindi na tinukoy na injury.

Batay sa record ng UFC, hawak ni Ruziboev ang fight record na 36-9-2 habang 13-2-0 naman ang win-loss record ng mas batang si Battle.