-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan ang nakakabatang kapatid ni US President Donald Trump na si Robert.

Dahil dito ay inaasahan na bisitahin ng US President ang kaniyang 72-anyos na kapatid na naka-confine sa Manhattan.

Hindi naman binanggit ng White House kung ano ang sanhi ng pagkaka-ospital ni Robert.

Sinabi ni White House spokesman Judd Deere na malapit ang US President sa nasabing kapatid nito.

Isa si Robert sa apat na magkakapatid na naghain sa korte sa pagpigil sa pagpapalabas ng libro ng pamangkin nila na si Mary na tumatalakay sa buhay ng US President.