Lalong tumataas ang naitatalang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DoH), kasunod na rin ito ng naitalang panibagong COVID-19 infections kahapon na 612.
Ito ang pinakamataas na tally mula noong Abril 3 kaya naman ang kaso ng covid sa bansa ay nasa kabuuang 3,696,264 na pero ang mga gumaling naman ay 3,631,268 na katao.
Base sa latest data mula sa Health department, ang active case count ay tumaas din sa 4,529 mula sa dating 4,176 noong isang araw.
Wala namang naitalang bagong namatay dahil sa COVID-19 sa loob ng tatlong araw.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region na mayroong pinakamaraming infection sa loob ng dalawang linggo na 2,194 na sinundan ng Calabarzon na may 659, Western Visayas mayroong 375, Central Luzon mayroong 324 at Central Visayas, 183.
Una rito, sinabi ng independent group OCTA Research noong Sabado na ang one-week growth rate sa NCR ay umkyat sa 71 percent.
Ang seven-day average naman sa NCR ay tumaas mula 103 ay naging 176.