-- Advertisements --

CEBU CITY- Inilarawan ng Cebu City Fire Office na lubhang nakakaalarma na umano ang mga naitalang insidente ng grassfire sa lungsod na pumalo na sa 98 mula Enero hanggang sa kasalukuyan kumpara sa 40 sa unang semester noong nakaraang taon.

Inihayag ni SFO2 Wendell Villanueva, na sa buwan pa lamang ng Mayo ngayong taon ay mayroon ng 25 insidente ng grassfire ang naitala at posible pang madagdagan.

Dulot pa umano ito ng iba’t ibang kadahilanan kung saan nangunguna dito ang pagsindi ng apoy, sinundan ng pagtapon sa upos ng sigarilyo at kaingin.

Idinagdag pa nito na may bahay pang nadamay sa bukiring bahagi ng lungsod dahil sa grass fire at may napaulat ding nagkaroon ng mga minor injuries.

Binigyang-diin naman ni Villanueva ang kahalagahan ng kooperasyon ng publiko upang hindi masayang ang libu-libong litro ng tubig na gamitin para lang maapula ang rubbish fire lalo na sa panahon ngayon na nagkaroon ng kakulangan sa tubig dulot ng nararanasang El NiƱo phenomenon.