Naitala ngayon ng Department of Health (DoH) ang pinakamataas na Coronavirus disease 2019 (COVID-19) single tally mula noong Abril 3.
Ayon sa DoH, ang bagong kaso ng covid ay pumalo pa sa 716 habang ang active case naman ay nasa 5,523.
Sa latest data ng DoH, ang nationwide caseload ay pumalo na sa 3,698,509 pero ang recoveries naman ay naging 3,632,491 matapos maitala ang 295 na bagong gumaling sa nakamamatay na sakit.
Samantala, nadagdagan naman ng 11 ang mga namatay at ang death toll na sa ngayon ay nasa 60,495.
Sa data mula sa DoH, ang Metro Manila pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming covid infections sa loob ng dalawang linggo na 3,002.
Sinundan ito ng Region IV-A (CALABARZON) na mayroong 989 na bagong kaso at Western Visayas na mayroong 510, Central Luzon may 432 at Central Visayas mayroong 248.