-- Advertisements --
Inaprobahan na ng National Economic Development Authority (NEDA) ang privatization ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na nagkakahalaga ng P170.6 bilyon ang nasabing proyekto.
Layon nito ay para maayos at magkaoon ng makabagong kagamitan ang pangunahing paliparan ng bansa.
Iaanunsiyo ngayong taon din ang mananalong bidder para sa mga privatization ng NAIA-1.
Dagdag pa nito na kapag naayos na ang nasabing paliparan ay tataas ang bilang ng airport capacity na mula sa dating 35 milyon ay magiging 62 milyon na ito.










