-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nararanasan na ang mga malalakas na hangin at ulan sa Guam na dulot ng Bagyong Mawar sa Guam.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Fernando Arevalo Jr. na nasa Category 4 na ang bagyong Mawar sa Guam.

Ngayon lamang anya sila nakaramdaman ng malakas na bagyo na kahit hindi pa tumatama sa kalupaan ay nararamdaman na ang lakas ng hangin at ulan .

Nauna na rin silang nag-imbak ng mga Pagkain , tubig, at nagpagas na sila ng sasakyan at nag-charge na rin sila ng mga electronic items upang paghandaan ang pagkawala ng daloy ng kuryente.

Nagbigay babala ang pamahalaan ng Guam sa kanilang mga mamamayan na ang bagyong Mawar ang pinakamalakas na mararamdamang bagyo magmula noong taong 1960’s.

Tiniyak naman ng pamahalaan ng Guam na magbibigay ng mga sasakyan sakaling kinakailangan ang paglilikas.

Inihayag pa ni Ginoong Arevalo na mayroon nang mga puno na natumba at nawalan na rin ng kuryente sa ilang bahagi ng Guam.