DAVAO CITY – Iniimbestigahan na ngayon ng lalawigan ng Mati City ang ilang mga opisyal sa barangay na sinasabing nakalabag sa standard health protocols matapos magsagawa ng motorcade bilang bahagi ng Barangay Dahican fiesta celebration sa nakaraang araw.
Una nang inamin ni Dahican Village Chief Nestor Escasinas na ang nasabing aktibidad ay bahagi ng kanilang pagdiriwang ng Araw ng Barangay Dahican ngunit limitado lamang ang kanilang inimbitahan sa motorcade na kinabibilangan ng mga barangay functionaries at sangguniang kabataan officials.
Mayroon umano silang hinahandang mga aktibidad gaya na lamang ng banca racing at cycling event ngunit kinansela nila ito matapos na nagpalabas ng pahayag ang Mati Incident Management Team (IMT) na kanselahin ang cycling event na Tour de Mati Theo Cup dahil sa COVID-19 clustering sa siyudad sa nakaraang dalawang linggo.