-- Advertisements --
Mahigit isang linggo bago ang Todos Los Santos, pinili na ni Nadine Lustre na ipagdiwang ang kanyang kaarawan.
Nabatid na 26th birthday ni Lustre sa darating na October 31, isang araw bago ang nakagawiang paggunita sa mga namayapang mahal sa buhay.
Sa kanyang mga online posts, kasama nitong nagdiwang ang kanyang mga kaibigan sa sikat na health and wellness resort sa San Benito, Batangas.
Tulad ng dati, napa-wow uli ang mga fans sa swimsuit photos ni Nadine pero tila nanibago na hindi nito kasama si James Reid sa gitna ng usap-usapang nagkakamabutihan muli.
Kung maaalala, sa pagpasok pa lamang ng 2020 nang mapaulat na hiwalay na raw ang dalawa dahil sa “irreconcilable differences.”