-- Advertisements --

Umatras na si Rafael Nadal sa paglalaro sa Montreal tournament sa susunod na linggo.

Ayon sa world ranked number 3 na nakakaranas ito ng pananakit sa kaniyang tiyan kaya minabuti na huwag munag maglaro sa National Bank Open sa susunod na Linggo.

Dagdag pa ng 36-anyos na Spanish tennis player na naghahanda na ito sa paglalaro sa US Open na magsisimula sa Agosto 29 sa New York.

Nauna rito bukod kay Nadal ay umatras na rin sa Montreal tournament si Novak Djokovic.

-- Advertisement --