-- Advertisements --

Nagpasya si Spanish tennis star Rafael Nadal na hindi muna maglaro sa French Open dahil sa injury.

Ito ang unang pagkakataon na liliban sa torneo si Nadal mula ng magsimula siyang maglaro noong 2005.

Nagtamo ito ng hip injury sa ikalawang round niyang pagkatalo sa Australian Open noong Enero kay Mackenzie McDonald.

Umasa ito na gumaling siya ng hanggang walong linggo.

Sa kaniyang social media account sinabi ng 22-anyos na hindi niya inasahan na matatagalan pa bago ang kaniyang paggaling.

Pagtitiyak naman nito na makakabalik na siya sa paglaro sa Davis Cup Finals na gaganapin naman sa Setyembre.

Mayroong tatlong beses lamang na itong natalo sa French Open mula ng matagumpay na paglalaro sa torneo noong 2005.

Noong 2009 ay nagtala ito ng pinakamalaking upset sa kasaysayan tennis matapos matalo siya sa round 16 kay Robin Söderling bago talunin siya ni Novak Djokovic noong 2015 at 2021.

Noong 2016 naman ay nag-withdraw ito sa third-round match laban kay Marcel Granollers dahi sa wrist injury.