-- Advertisements --
Pasok na sa finals ng French Open si Spanish tennis star Rafael Nadal matapos na magtamo ng injury ang kalaban nito na si Alexander Zverev.
Nanalo na sa unang set si Nadal 7-6 (8) sa tie break at habang hawak ng German tennis player ang kalamangan sa 6-5 sa second set ng biglang mabaluktot nito ang kaniyang ankle para maabot sana ang forehand shot.
Natumba ito at napasigaw si Zverev sa sakit habang hinahawakan ang kanang ankle niya.
Isinakay ang 25-anyos na si Zverez sa wheelchair palabas ng court.
Dahil dito ay pasok na sa finals si Nadal at makakaharap nito si Casper Rudd ng Norway matapos talunin si Mariin Cilic ng Croatia.