-- Advertisements --
1148703441

Naitala ng Denver Nuggets ang ikatlo nilang panalo laban sa karibal na Minnesota Timberwolves, sa ikatlo nilang paghaharap.

Nagtapos ang laban ng dalawa sa 120 – 111, pabor sa Nuggets.

Naging sentro pa rin ng opensa at depensa ng Nuggets ang kanilang big man na si Jokic sa kanyang triple-double performance na 20 points, 12 assissts, at 11 rebounds. Maganda rin ang ipinamalas na performance ni Michael Porter Jr. na nagpasok ng 25 points, at 9 rebounds.

Walang nagawa ang Wolves sa ganda ng depensa ng Nuggets, kahit pa nagbuhos si Anthony Edwards na 36 points. Nag-ambag din ng 27 points at 7 rebounds ang kanilang Center na si Karl-Anthony Towns. Ang dalawang nabanggit na player ay ibinabad sa laro sa loob ng mahigit 42 mins.

Nakontrol ng Nuggets ang laro simula umpisa hanggang sa 3rd quarter. Bago matapos ang 4th quarter, nagawa ng Wolves na ungusan ang Nuggets. Gayonpaman, dahil sa sunod-sunod na clutch plays ni Jamal Murray ay nakaya nila itong tapusin pabor sa kanilang koponan.

Sa ngayon, hawak na ng Nuggets ang 3 -0 lead laban sa Wolves. Nakatakda naman sa susunod na linggo ang Do-or-Die na game 4 sa pagitan ng dalawa na gaganapin pa rin sa homecourt ng Wolves.