-- Advertisements --
Nanguna sa United Kingdom classical music chart ang album ni Oscar-winning actor Anthony Hopkins.
Ang “Life is a Dream” ay siyang unang album para sa Decca Classics ng 88-anyos na Port Talbot-born actor.
May laman ito ng 12-kanta na sinulat ng aktor sa loob ng anim na dekada.
Si Sir Anthony ay isang self-taught composer ay nagsimulang tumugtog ng piano sa edad na apat at siya ay nag-improve sa edad na anim.
Sinabi nito na ang musika ay siyang unang kaniyang hilig at unang kahilingan bago pa man ito pumasok sa pag-aartista.
Dagdag pa niya na lagi siyang gumagawa ng mga kanta sa buong buhay niya at ito ay kaniyang iniingatan.
Unang pumirma siya sa Decca Classic bilang composer noong Hulyo bago nailabas ang”Life is a Dream” noong Agosto.










