-- Advertisements --

Plano ni British tennis star Andy Murray na maglaro sa Olympics bago ito tuluyang magretiro.

Nagkakaroon na kasi ng kuwestiyon sa kakayahan ng three-time Grand Slam champion dahil sa mailap na ito ng magwagi sa mga torneo na kaniyang sinasalihan.

Pinakahuli ay noong second round ng Dubai Open nitong Pebrero kung saan tinalo siya ni Ugo Humbert ng France.

Dagdag pa nito na maaaring sa susunod na taon ay magretiro pa ito kung hindi na kaya ng kaniyang kalusugan.

Sa kasalukuyan ay inaaral niya ang paglalaro sa Olympics ng doubles.

Magugunitang noong 2012 London at 2016 Rio Olympics ay nagwagi ito ng gold medals.

Bago kasi makapasok sa Olympic men’s single ay dapat makapasok ito sa top 56 ng ATP rankings pagdating ng Hunyo 10.