DAVAO CITY – Nilinaw ngayon na ang mugshot pati na ang police blotter ay hindi mga pampublikong dokumento. Ito ang sinabi ni Pol. Major Eudisan Gultiano, tagapagsalita ng Police Regional Office XI, sa panahon ng AFP-PNP Press Corps.
Aniya, maisasaalang-alang lamang ito na isang pampublikong dokumentong , kapag may permiso mula sa suspek o sa mga sangkot na ilabas sa publiko. Alinsunod ito sa pinatupad na Memorandum Circular 2007-001 ni dating Police Chief Superintendent Atty. Raul Bacalso.
Pinahayag ito nga opisyal kasunod sa mga tanong tungkol sa suspek na binaril ng maraming beses ang isang 19-anyos na binata sa isang bar sa Davao city noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Atty. Gultiano, na maaring pumunta ang Media sa San Pedro Police Station para alamin at kumpirmahin kung talagang nakakulong si Pepino. Pero nilinaw lang din ng opisyal na mahigpit ipinatutupad ang pabawal sa pagkuha ng litrato sa loob ng kulungan.
Sa kabilang banda, kinumpirma din ng opisyal na sa ngayon ay tinututukan nila ang unang imbestigasyon na itinutulak ng kampo ng suspek na si Dr. Marvin Rey Andrew R. Pipino.