-- Advertisements --

Dumepensa si Movie Televisioin Review Classification Board (MTRCB) chairperson Lala Sotto sa 12-day suspension ng “It’s Showtime”.

Sinabi nito na hindi siya kasama sa board na bumuto para ipataw ang nasabing suspension.

Nagbunsod ang suspensiyon dahil sa malisyosong acting ng ginawa ng ilang host noong July 25 episode ng “Isip-Bata”.

Sa naging pahayag nito na naging patas ang MTRCB sa mga inilalapit na reklamo sa kanilang opisina.

Dagdag pa nito na isinagawa ang desisyon ng board noong Agosto 29 kung saan nag-inhibit siya sa pagboto.

Paliwanag nito na magiging epektibo lamang ang suspensiyon kapag hindi nakapaghain ng anumang apila ang nabanggit na noontime show.