-- Advertisements --

Tatapusin na ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang kanilang free antigen testing sa mga pasahero sa Hunyo 30.

Sa isang advisory, sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na ang free service na layong mapigila ang pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na sa ngayon ay mayroon pa rin namang offer na libreng antigen test sa North Avenue at Shaw Boulevard na nagsisimula tuwing alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga at alas-4:00 hanggang alas-5:00 naman ng hapon sa Cubao at Shaw Boulevard stations.

Kung maalal, inilunsad ang naturang programa noong Enero 11 sa pamamagitan ng partnership ng MRT-3 at Department of Transportation (DOTr).

Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na walang nag-positibo sa mga sumalang sa antigen test mula nang sinimula ang programa noong Enero 28.

Samantala, ang “libreng sakay” service naman sa MRT-3 ay nakatakda nang magtaos sa Hunyo 30 o mahigit tatlong buwan mula nang simulan ang programa noong buwan ng Marso.