-- Advertisements --

Nalagpasan na raw ang pasahero noong Miyerkules ang bilang ng mga pasaherong sumasakay sa MRTMetro Rail Transit Line 3 (MRT-3) noong wala pang pandemic.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, kabuuang 320,844 na pasahero ang sumakay sa naturang MRT lline noong Miyerkules na mas mataas sa pre-pandemic average na 250,000 hanggang 300,000 passenger kada araw noong March 2020.

Ang naturang ridership din umano ang pinakamaraming bilang ng mga pasahero ng MRT-3 sa loob lamang ng isang araw mula nang ibalik ang operasyon nito noong Hunyo 2020.

Pero ayon sa pamunuan ng MRT-3, ang mataas na bilang ng mga sumasakay ay dahil na rin sa libreng sakay ng naturang MRT line na sinumulan noong Marso 28 na kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte at magtatagal ito hanggang sa katapusan ng buwan ng Marso.

Sa ngayon, mayroong 19 three-car Czech-made CKD trains at dalawang four-car CKD trains na tumatakbo sa MRT-3 sa peak hours.

Ag bawat three-car trains ay kayang makapagsakay ng 1,182 na pasahero sa ano mang oras habang ang four-car trains ay kaya namang makapagkarga ng 1,576 passengers.

Mula naman noong matapos na ang rehabilitasyon ng MRT-3 ay tumatakbo na ito ng 60 kph mula sa dating 40 kph.

Dahil dito, nabawasan din ang headway o waiting time mula sa dating 8.5 hanggang 9 minutes na ngayon ay nasa 3.5 hanggang 4 minutes.