Maghahandog ang Department of Transportation ng isang linggong libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 para sa mga World War II veterans sa darating na Abril 5-11, 2024.
Ito ay pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa Abril 9, kasabay ang Philippine Veterans Week.
Sa advisory ng DepartÂment of Transportation (DOTr)-MRT3, wala nang babayaran ang mga beterano pati na ang isa nilang kasama o ‘companion’ na sasakay sa nasabing tren at kinakailangan lamang na magpakita ng isang valid ID mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa security personnel na mga nakatalaga sa istasyon nito.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino, kinikilala nila ang mahalagang kontribusyon ng mga beterano sa bansa kung kaya’t bilang tugon at pasasalamat ay naghandog sila ng isang linggong libreng sakay para sa mga ito.
Ang nasabing isang linggong libreng sakay para sa mga beterano ay maaaring i-avail sa buong oras ng operasyon ng MRT-3.