NAGA CITY- Nagpapagaling na ngayon ang iang lalaki matapos ang nangyaring aksidente sa Brgy. Pamukid San Fenrnado Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt. Emiio Endrano hepe ng San Fernando PNP sinabi nitong, kinilala ang biktimang si Alex Gueriba.
Dagdag pa nito na nagkaroon umano ng gitgitan sa pagitan ng minamanehong motorsiklo ni Gueriba at ng isa pang motorsiklo na sinasabing tumakas matapos ang nasabing insidente.
Ayon kay Endrano, dahil sa umano impact ng nangyaring gitgitan pumailalim ang motorsiklo ni Gueriba subalit hindi naman umano ito natamaan ng nasabing sasakyan.
Nabatid din na nasa ilalim ng impluwensya ng alak si Gueriba.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang drayber ng bus habang pinaghahanap pa ang drayber ng motorsiklo na nakagitgitan ng biktima.