Hindi kinatigan ng Sandiganbayan ang mosyon para idismiss ang crominal charges na inihain laban sa negosyanteng si Janet Lim Napoles at apat na iba pang akusado sa umano’y irregular implementation ng Agricultural development programs na pinondohan ng P15million mula sa priority development assistance fund (PDAF) ni dating Nueva Ecija 3rd district Rep. Aurelio Umali noong taong 2005.
Ibinasura ng anti-graft court ang magkahiwalay na mosyon para sa paghahain ng demurrer to evidence ni Napoles, kasama si DA Regional Executive Director Officer-in-Charge Renato Manantan at Accountant III Narcisa Maningding.
Denied din ang mosyon na inihain ng Samahan ng mga Manininda ng Prutas sa Gabi , INc (AMPGI) President Anita Tansipek at collector Corazon Bautista.
Magugunitang nadismissed noong taong 2019 ang criminal charges laban dating congressman umali sa kaniyang PDAf case dahil sa paglabag sa kaniyang karapatan para mapabilis ang disposisyon ng kaso.
Magugunitang nadismissed noong taong 2019 ang criminal charges laban dating congressman umali sa kaniyang PDAf case dahil sa paglabag sa kaniyang karapatan para mapabilis ang disposisyon ng kaso.
Inanunsiyo ng United Kingdom na magpapadala ito ng unang long-range missiles sa Ukraine.
Ang anunsiyo na ito ng UK government ay kasunod ng panibagong babala ni Russian President Vladimir Putin sa matinding pag-atake sa Ukraine kapag magpapadala ang West ng mga aramas sa Kyiv.
Ayon kay Dr Jack Watling ng Royal United Services Institute think tank, ang long-range missile na M270 rocket launcher na nakatakdang ipadala sa Ukraine ay ang “crown jewels” ng British Army na kayang ma-knock out ang Russian artillery sa eastern Ukraine.
Subalit kailangan aniya na masabay ang mga sundalo ng Ukraine sa paggamit ng naturang armas.
Ang M270 rocket launchers ay may range na 50 miles (80km), ang rate of fire nito ay 12 rounds per minute, may bigat na 25 tonnes at may bilis na 40 meters per hour (64km/h). Top