Pumanaw na ang isa sa mga miyembro ng K-pop boy band Astro na si Moonbin.
ang 25-anyos na singer ay natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Gangnam District sa Seoul. Batay sa report ng South Korean Police, mismong ang manager nito ang unang nakakita sa kanyang katawan
Lumalabas sa paunang mga report na si Moonbin ay nagpakamatay ngunit hinihintayin pa rin ng mga otoridad ang opisyal na resulta ng kanyang autopsy para matukoy ang tunay na resulta ng kanyang kamatayan.
Unang nakilala si Moonbin noong 2016 nang maging miyembro ng bandang Astra kasama ang mga orohinal na miyembro ng banda, katulad nina Jinjin, MJ, Sanha, at Rocky.
bahagi rin siya ng isang sub-unit ng nasabing banda na Moonbin & Sanha na kamakailan lamang nagsagawa ng concert sa Pilipinas.