-- Advertisements --
Umabot na sa 84 ang bilang ng monkeypox virus ang naitala sa Spain.
Ayon Health Ministry ng Spain na mayroong bagong 25 kaso ang naitala nitong May 26.
Sinabi naman ni Minister of Health Carolina Darias na posibleng bumili sila ng monkeypox vaccines sa Europa.
Nauna rito na pawang mga mild ang epekto monkeypox na naitala sa Spain, England at Portugal.
Umabot na kasi sa 58 ang naitala sa Portugal kung saan nagkukumahog ang mga ito para tuluyang hindi na kumalat ang nasaibng virus.