-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nagpasalamat si Mother Dionesia Pacquiao o mas kilala sa tawag na Mommy D, ang ina ng Pambansang Boxer/Ex-Senator na si Manny Pacquiao, sa pagdiriwang ng kanyang ika-75 kaarawan ngayong araw.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Gensan, inihayag ni Mommy D na kahit marami siyang nararamdaman na hindi maganda sa kanyang katawan ay nagpapasalamat pa rin siya at naniniwala sa Diyos, dahil binigay nito ang kanyang buhay.

Dagdag pa nito na masaya siya sa maliit na salo-salo sa loob ng kanyang kapilya na nasa loob ng compound ng kanyang bahay sa Brgy City Heights sa lungsod na ito matapos magmisa kaninang umaga.

Nagpasalamat din siya sa anim nitong mapagmamahal na anak sa pagbati sa kanya.

Sa kanyang pahayag, lahat ng kanyang mga anak ay sweet sa kanya at nagpapakita ng kanilang matinding pagmamahal.

Ibinunyag ni Mommy D na hindi niya alam kung ano ang inihahanda ng kanyang mga anak, pero nagulat siya na sa sinabi tungkol sa kanyang birthday celebration na gaganapin sa isang hotel sa lungsod.

Samantala, kinumpirma ni Mommy D, na binigyan siya ni Manny ng van bilang advance birthday gift.