-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpaabot ng pagkilala ang singer na si Moira dela Torre sa mga medical frontliners sa Iloilo.

Ayon sa 26-year-old singer-songwriter, mataas ang kanyang pagtingin sa mga medical frontliners dahil sa kanilang sakripisyo lalo’t nilalagay nila ang kanilang sarili sa peligro na mahawaan ng virus.

Nagpaabot din ng kanyang panalangin si Dela Torre sa mga frontliner na nahawaan na ng coronavirus at patuloy na pakikipaglaban.

Ayon sa “Tagpuan” singer, kailangan lang na maging matatag at magtiwala sa Diyos na malalampasan ang malaking pagsubok na kinakaharap ng mundo.