Aprubado na ang modified-work arrangement para sa mga non-niformed personnel sa Philippine National Police.
Layon nito para malimitahan ang bilang ng mga tao sa Kampo.
Ayon kay PNP OIC Plt. Gen. Guillermo Eleazar, kinunsulta niya si PNP chief Debold Sinas na nagpapagaling pa rin dahil sa Covid-19, at kanyang inaprubahan ang modified work arrangement na work-from-home para sa kanilang non-uniformed personnel sa National Headquarters sa Camp Crame.
Paliwanag pa ni Eleazar, lahat ng opisina ng PNP headquarters ay nagsasagawa na ng assessment kung paano ipatutupad ang modified work arrangement na hindi makukumpromiso ang trabahong administratibo.
Samantala, gustuhin man na baguhin ang work arrangement para sa mga pulis, mahirap umano ito dahil sa dami ng kanilang trabaho.
Maliban kasi sa regular na pagpapatupad ng batas ay tumutulong din sila pagpapatupad ng quarantine protocol at curfew sa Metro Manila.
Pagdating naman sa face to face classes ng mga pulis na nag schooling, sinabi ni Eleazar na nagsasagagawa na rin sila ng assessment para lumipat muna sa online classes.