-- Advertisements --
Nagbigay ng tulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paglilinis sa ilang paaralan sa Metro Manila.
Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na kabahagi sila sa pagsasagawa ng Department of Education ng isang linggong Brigada Eskuwela bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan.
May mga tauhan ng MMDA ang ipinadala niya sa iba’t-ibang paaralan para tumulong sa paglinis sa loob at labas ng mga paaralan.
Ilan sa mga naging prioridad nila ay ang paglalagay ng mga traffic signages sa mga kalsada kung saan tatawid ang mga mag-aaral.