
Pansamantala munang sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dry run ng ban sa mga provincial buses na dumadaan sa kahabaan ng EDSA.
Sa isang panayam sinabi ni MMDA general manager Jojo Garcia, sanhi ang temporary ban ng nakabinbin pang meeting ng kanilang tanggapan kasama ang DOTr at LTFRB hinggil sa implementasyon ng ban.
Bukod dito, hinihintay pa raw ng MMDA na maplantsa ng mga tanggapan ang guidelines ng kautusan.
“We will continue with the dry run once the guidelines and implementing rules have been ironed out by the three agencies involved.â€
Ani Garcia, ayaw lang din ng kanilang hanay na magamit sa pulitika ang ban dahil sa paparating na halalan.
Noong April 22 nang ipagbawal ng MMDA ang pagsasakay at pagpapababa ng mga provincial buses sa kahabaan ng EDSA.
Nauna ng sinabi ng ahensya na target nilang ipasara ang terminal ng mga bus sa EDSA pagdating ng Hunyo.










